Patuloy sa pananalasa ang Mapua Institute of Technology nang kanilang itala ang ikatlong sunod na panalo matapos ang magaan na 83-64 panalo kontra sa University of Perpetual Help Dalta System na nagpa-lakas ng kanilang tsansa sa Final Four ng NCAA men’s basketball tournament na nagpatuloy kahapon sa The Arena sa San Juan City.
Matapos agawin ng MIT Cardinals ang trang-ko mula sa tres ni Sean Co na nagtala ng 10 sa kanyang tinapos na 17-puntos sa unang quarter, hindi na lumingon ang Mapua upang sumulong sa kanilang ikalimang panalo sa kabuuang 11-laro.
Kailangan na lamang manalo ng Cardinals sa kanilang huling asignatura kontra sa College of Saint Benilde sa August 22 para makasiguro ng kahit na playoff berth para sa huling slot sa semifinals.
Nagpakawala ang Mapua ng 20-13 atake na pinagbidahan ni Hermes Sumalinog na umiskor ng walong puntos sa natu-rang yugto para sa 40-31 kalamangan sa halftime.
Naitala ng Mapua ang pinakamalaking kalamangan na 79-57 patungo sa huling 1:19 minuto ng laro mula sa lay-up ni Kelvin dela Peña na tumapos ng 6-puntos, walong rebounds at siyam na assists upang ipalasap ng Mapua ang ikapitong talo sa siyam na laro sa UPHDS Altas.
Humataw sa second half ang SSC-R Stags sa second half upang pasadsarin ang College of St. Benilde, 75-58 sa unang laro sa pagbibida ni Jim Viray na tumapos ng game-high na 23-puntos.
Isang 24-14 run ang pinakawalan ng Stags sa final canto tungo sa kani-lang ikaapat na panalo sa siyam na laro na nagpa-natiling buhay ng kanilang tsansang makapasok sa semis habang lalo na-mang nabaon sa kulelat na posisyon ang CSB Blazers na lumasap ng ikasiyam na sunod na kabiguan sa 10-laro.