Tinapatan ni Mark Borboram ang kanyang season-high na 16-puntos nang makabawi ang University of the East sa masamang simula kontra sa Ateneo de Manila University sa UAAP seniors basketball tournament noong nakaraang linggo.
Naasahan ng UE Red Warriors ang 22-gulang na si Borboran sa kagipitan patungo sa kanilang ikawalong sunod na panalo at ito ay pinapurihan ng UAAP Press Corps kaya tinanghal itong ANTA Player of the Week.
Umiskor ang 6-foot-4 na si Borboran ng walong puntos sa unang anim na minuto ng fourth quarter upang makaahon mula sa 55-59 deficitpatungo sa 69-64 pangunguna.
Nagtala rin si Borboran, tubong Malinao, Albay, ng limang rebounds, isang steal at isang block sa 25 minutong paglalaro upang isulong ang East sa kanilang pinakamagandang simula na 9-0 winploss slate na huli niyang nagawa noong 1981 season.
Tinalo ni Borboran si Khasim Mirza ng defending champion University of Santo Tomas, ang Player of the Week noong nakaraang linggo. (Mae Balbuena)