Pumukaw ng pansin ang pambato ng SM Southmall na si John Carlo Ingeniero sa ikatlong araw ng kompetisyon sa 2007 Skate Asia ice skating tournament, nang talunin nito ang mga dayuhang kalaban para makopo ang gold medal sa 19-23 mixed Artistic Freestyle sa SM Mall of Asia skating rink kahapon.
Sa kabuuan, may apat na gold na si Ingeniero na nakapagsuni na ng tatlong golds at limang silvers noong Lunes matapos talunin ang Singaporean na sina Condrey Liu ng Fuji Ice Palace, Indonesian Natasaya Muliandari ng Arena Ice Bandung sa isa sa pinakamahirap na kategorya sa seven-day tournament na sanctioned ng Ice Skating Institute of America.
Nagpakitang gilas si Ingeniero, nakipagtambal kay 2006 Winter Olympics silver medalist Sasha Cohen sa isang show sa Los Angeles noong 2005 at eighth most bemedaled skater sa Shenzen, China edition ng tournament na ito, noong Lunes sa kanyang panalo sa 19-23 male Surprise, 19-23 male Creative Figure at 19-23 mixed Rhythmic Gymnastic Ball.
Nakuha din niya ang silver medal sa 8-22 Couple Spotlight, 19-23 mixed Figure 1, 19-23 male Production, 19-23 mixed Interpretative at 19-23 mixed Speed para makalikom ang SM Southmall ng 1,215.00 total points habang sinusulat ang balitang ito.
Malaki na ang naipundar na kalamangan ng SM Megamall na may 3,750.50 points matapos magwagi sina Angelica Elmido sa 13-14 mixed Artistic Freestyle, Jam Abby Chan sa 15-17 female Artistic Freestyle at Tessa Marie Pelayo sa the 22-25 female Freestyle 1.
Ang iba pang nanalo sa SM Megamall ay sina Aisley Noelle Pondevida (7-8 female Artistic Freestyle 3), Marisol Al Benelayo (18-22 mixed Artistic Freestyle 2), Angekla Biag (14-16 Artistic Freestyle 2-3), at Talisa Dela Rosa (12-13 female Artistic Freestyle 3).
Nasa third place naman ang Indonesia-based Skyrink Jakarta na may 443.00 points kasunod ang Singapore-based Festival Walk Glacier’ na may 403 points for fourth.