Walang imposible kay MVP
Isa na namang masayang awards night ang naganap noong Linggo ng gabi sa parangal ng PBA Press Corps sa Bayview Park Hotel.
Ito kasi ang gabi ng mga PBA scribes na magka-sama-sama sa isang gathering.
Siyempre bukod sa pagbibigay parangal sa mga PBA players, referees team owners and other executives, tampok dito ang inuman at kuwentuhan lalo na ng mga wala na sa coverage for some reason.
Siyempre, matagal-tagal ng hindi nagkikita ang karami-han doon lalo na ng mga seniors or yung mga naunang nagkober bago ang mga bata ngayong sportswriters. Congrats kay Nelson “Sarge” Beltran ng Philippine Star na siyang pangulo ng press corps for that wonderful evening.
And kudos sa lahat ng officers and members.
* * *
Hindi ko alam pero, kakaiba ang pakiramdam namin ni Rhea Navarro sa ambiance ng awards night.
Parang ang saya-saya ng lahat at lalo na ng iluklok si dating PBA commissioner Jun Bernardino sa Hall of Fame ng PBA Press Corps. Parang naroroon lang siya at nagmamasid at nakikisaya sa amin.
Di ba Rhea.
* * *
Maging si Smart Communication and PLDT big boss Manny V. Pangilinan ay dumating bilang panauhing pandangal at tagapagsalita.
Masyadong mahaba ang speech ni MVP at ito ay tungkol sa sports siyempre in particular sa basketball dahil siya ang pangulo ng Samahang Basketbol ng Pilipinas.
Malungkot si MVP dahil sa 9th place finish ng SMC-Pilipinas pero, siyempre ipinagmamalaki niya ang team dahil sinikap nila ang lahat para maabot
At isa sa kanyang inaasinta para muling pangarapin ang pinakamatayog na pwesto sa basketball ay ang makapag-host ng FIBA Asia sa taong 2009 kung saan ito naman ang qualifier para sa 2010 World Basketball championship sa
Isang mahusay na management person si MVP kaya hindi malayong mangyari ang lahat ng gusto niya para sa interes ng basketball.
Di po ba sir MVP?
* * *
Panawagan ni bespren Rhea Navarro: Tinatawagan si Romulo Navalan ng Miguelin, Sampaloc ng mga kaanak niya sa San Francisco, Victoria, Tarlac, upang ipaalam na ang kanyang pamangkin na si Jover Navalan ay suma-kabilang-buhay na noong Biyernes. Maaring tumawag kayo sa 571‑0176 para sa ilang detalye.
- Latest
- Trending