Sa kabila ng pahayag ng Thailand na hindi nila isasalang ang ilan sa kanilang mga pamba-tong atleta para sa 24th Southeast Asian Games, hindi ito pinaniniwalan ni Philippine Olympic Committee (POC) president Jose “Peping” Cojuangco, Jr.
Ayon kay Cojuangco, tiyak na gagawin ng Thailand ang lahat upang maagaw sa Team Philippines ang overall championship para sa kanilang pang anim na pamama-hala sa naturang biennial event sa Disyembre.
“Siguradong todo-todo ang ibibigay nila dito dahil birthday ng kanilang King (Bhumibol Adulyadej). Siyempre, they want to have a good showing kundi mapapahiya ‘yung King nila,” ani Cojuangco.
Sa pamamahala ng bansa sa SEA Games noong 2005, kabuuang 112 gold, 84 silver at 94 bronze medals kasunod ang Thailand (87-78-118), Vietnam (71-68-89), Malaysia (61-49-65), Indonesia (49-79-89) at Singa-pore (42-32-55).
Ang pagiging overall champion ng mga Pinoy sa SEA Games ay kauna-unahan sapul nang luma-hok ang bansa noong 1977 sa Kuala Lumpur, Malaysia.
“Of course, hindi nila sasabihin na liyamado or nakakalamang sila. I know that they will move heaven and earth to win that overall championship. But we also have some areas na hindi pa nila alam kung gaano tayo kagaling,” sabi ni Cojuangco.
Sa hangaring mapa-natili ang korona, ilang national athletes na ang nagsasanay ngayon sa iba’t ibang bansa bilang preparasyon sa 2007 Thailand SEA Games.
Sa kasalukuyan ay wala pang pinal na lista-han ang POC para sa komposisyon ng dele-gasyon para sa naturang biennial meet. (RC)