^

PSN Palaro

Ano Ang Kinabukasan Ng Basketbol?

GAME NA! - Bill Velasco -

Sunud-sunod ang dagok na natanggap ng basketbol sa ating bansa. Una, nabigo tayo sa pagpasok sa Beijing Olympics na labis na ikinalungkot nating lahat. Sumunod dito, nagbitiw ang commissioner ng PBA na si Noli Eala dala ng personal at legal na problemang di pa matatapos. Pangatlo, dinampot ng mga alagad ng NBI si Paolo Orbeta, isang manlalaro ng College of St. Benilde dahil sa bintang na minamanipula nito ang iskor niya sa NCAA.

Ngayon naman, may panibagong hamon ang ating paboritong sport. Matapos ang dalawang taong pananahimik, sasabak muli ang RP women’s team sa labanan, sa SEABA sa Singapore sa darating na buwan.

Malaking hamon ito dahil nalagpasan na tayo ng Thailand at Malaysia. Habang nagtitiis tayo sa dalawang taong suspensiyon mula sa FIBA, ang dalawang mahigpit nating karibal ay umangat na sa FIBA-Asia. At bagamat nilalampa-so sila doon ng mga tulad ng China at Taipei, mahalagang karanasan iyon para sa kanila.

Ang magandang balita ay marami nang babaeng Fil-Am ang handang tumulong. Malapit nang dumating ang una sa kanila, si Vicki Brick, 27-anyos na dating high school All-American na kinuha ng University of Meryland Terrapins. Si Brick ay nagtala ng 3.1 steals at 4.3 assists per game sa kanyang unang taon doon na pangalawa’t pangatlong pinakamataas na itinala ng isang rookie sa kasaysayan ng US NCAA.

Nang magtapos ay naglaro si Brick sa WNBL sa Australya. Ayon kay women’s team head coach Fritz Gaston, ‘di kukulangin sa pito ang babaeng Fil-foreigner na gustong umuwi rito upang maglaro.

Sa kabilang dako, malaki na rin ang mga plano ng BAP-SBP. Ang una nilang malawakang proyekto ay ang isang regional basketball tournament kung saan magsasama-sama ang mga manlalaro ng PBL, NBC at MBA. Ito ay nakatayang ilalaro sa Oktubre sa Baguio, Antipolo, Cebu at Cagayan de Oro.

Kasunod nito ang isang US NCAA-style na torneo kung saan pagtatapatin ang 32 pinakamagaling na college team sa bansa. Maghaharap ang numero Uno laban sa No. 32, pangalawa laban sa No. 31 hanggang lahat ay may katapat. Ang matalo, tanggal.

Samantala, magaganap na rin ang PBA rookie draft at may isang pangalan nang nabanggit na maaaring magsilbi bilang OIC habang ‘di pa ganap na naghahanap ng bagong commissioner.

Buhay na buhay ang basketbol sa ating bansa kaya walang dapat ikabahala.

BEIJING OLYMPICS

COLLEGE OF ST. BENILDE

FRITZ GASTON

NOLI EALA

PAOLO ORBETA

SI BRICK

UNIVERSITY OF MERYLAND TERRAPINS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with