Sa wakas, nanalo rin ang Uste sa La Salle

Natapos din ang dominasyon ng La Salle sa Santo Tomas nang pasadsarin ng Tigers ang Archers, 81-73 sa overtime kahapon sa pagbubukas ng second round ng eliminations sa UAAP men’s basketball tournament na nagpatuloy sa Araneta Colesium.

Naputol ang 1-7game losing streak ng Uste na kasosyo na ngayon sa 5-3 kartada ang La Salle sa likod ng University of the East na may malinis na 70 record, sapul pa noong Game 1 ng 1999 finals.

Umiskor ng 5-0 run ang Tigers tampok ang drive ni Khazim Mirza para lumayo sa 76-71 papasok sa huling 1:18 minuto ng labanan.

Nauna rito, umangat ang National University sa 4-4 kartada matapos ang 85-66 pananalasa sa University of the Philippines na lumasap ng ikawalong sunod na talo. (Mae Balbuena)

Show comments