^

PSN Palaro

Nestle CEO at Cayetano tatakbo sa Cebu City leg ng Milo Marathon

-

Sa ikaapat na sunod na taon, tatangkain ng Cebu City na makapaglista ng Milo Marathon record sa pinaka-maraming bilang ng partisipante.

Noong 2004, winasak ng Cebu City ang record nang humatak ito ng 17,789 runners. Noong 2005 umabot naman ito ng 19,320 partisipante.

At noong nakaraang taon, muling binura ang Milo Marathon standards nang may 20,526 ang sumali sa karera. Sa Linggo, muling gagawa ng kasaysayan ang Cebu City organizers para matabunan ang sariling marka sa pagtatanghal ng 31st National Milo Marathon qualifying race sa Queen City sa South.

“ The mass start in Cebu has always been an awesome sight in the past few years,” ani MILO AVP for Sports Pat Goc-ong. “Imagine thousands of runners, in a sea of green,

all engaged in a healthy lifestyle of running.”

Ilan sa inaasahang 20,600 o higit pang runners sa linggo ay ang dalawang health conscious luminaries na sina Nestle Philippines Chairman at CEO Nandu Nand-kishore at Senator Pia Cayetano.

Si Cayetano,  isang duathlon at  triathlon enthusiast,ay tatakbo sa tampok na 21K race habang si Nandu naman ay sa mas maikling distansiya ng karera.

Lahat ng runners ay magsisimula sa Osmeña  Boulevard,  at magtatapos sa loob ng Cebu City Sports Center. Pero may tatlong starting guns na puputok--sa 21K, 3K at 5K races.

CEBU CITY

CEBU CITY SPORTS CENTER

MILO MARATHON

NANDU NAND

NATIONAL MILO MARATHON

NESTLE PHILIPPINES CHAIRMAN

NOONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with