^

PSN Palaro

Boxing World Cup: Philippines vs Mexico

-

Nakataya ang karanga-lan ng Pilipinas sa pagtutuos ng Philippines’ finest boxers at ang defending Boxing World Cup champions mula sa Mexico.

Walong boksingero ang maghaharap sa loob ng apat na maaksyong bakbakan, pero iisang bansa lang ang karapat-dapat na tawaging kampeon.

Winner takes all na ang all-out na palitan ng kamao at matinding suntukan sa 2007 Boxing World Cup: Philippines vs. Mexico na gaga-napin sa Arco Arena sa Sacramento, California sa Linggo, August 12, 9:00 ng umaga sa ABS-CBN na may replay sa August 13, 2:00 ng hapon sa Studio 23.

Tututukan ng buong ban-sa sa main event sa pagitan nina WBO Junior Featherweight World Champion na si Daniel Ponce De Leon ng Chihuahua, Mexico at ang Philippine boxing hero na si Rey “Boom Boom” Bautista ng Cebu City.

Balak din tibagin ng dating World Champion na si Gerry Peñalosa ang kanyang kalabang galing sa Chihuahua, Mexico na ang WBO Bantamweight Champion na si Jhonny Gonzalez.

Bago ang back-to-back bakbakan para sa championships, dalawang undercard bouts ang siguradong mag-papayanig sa Arco Arena.

Pangungunahan ito ng laban ng 35 anyos na si Bert Batawang kay Gerardo “Diablito” Verde, kasunod ng tapatan ng pambato ng Agusan del Norte na si Z Gorres at Gerson “El Nene” Guerrero.

Ang team na may pina-kamaraming napanalong match ay tataguriang 2007 Boxing World Cup Champions at mag-uuwi ng $500,00.

ARCO ARENA

BANTAMWEIGHT CHAMPION

BERT BATAWANG

BOOM BOOM

BOXING WORLD CUP

PLACE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with