JRU Heavy Bombers lumapit sa F4

Nakalapit ang Jose Rizal College sa Final Four matapos itala ang ikalimang sunod na pa-nalo habang binigyan na-man ng buhay ng Mapua Institute of Technology ang kanilang pag-asang makausad sa susunod na round matapos ang mag-kahiwalay na panalo sa NCAA men’s basketball tournament sa The Arena sa San Juan kahapon.

Hindi mapigilan ang pagbuhos ng ulan kaha-pon ngunit napigilan naman ng Mapua ang Letran sa kanilang pag-sulong sa final four nang hindi nila paiskorin ito sa huling limang minuto ng labanan tungo sa kanilang 89-82 panalo sa unang laro.

Naubos naman ang siyam na puntos na kala-mangan ng JRU Heavy Bombers sa huling dala-wang minuto ng labanan ngunit nagtulung-tulong sina Jerome Ramos, Jerome Cruz at John Montemayor upang mai-salba ang 65-62 panalo kontra sa University of Perpetual Help Dalta, sa ikalawang laro.

Tumapos si Sean Co ng 22-puntos para sa Mapua na sumulong sa 3-6 win-loss slate habang kinapos lamang ng isang rebound si Kevin dela Peña para sa kanyang ikalawang triple double sa kanyang tinapos na 17 points, 11 assists at nine rebounds.

Nalasap naman ng Letran Knights ang ikala-wang talo sa siyam na laro na nagbagsak sa kanila sa ikalawang puwesto habang naiwan ang defending champion San Beda sa liderato na may 7-1 kartada. (Mae Balbuena)

Show comments