Dragon boat race sa Subic Bay Freeport
Inaasahan ang pagdalo ng mga koponan mula sa China, Macau, Singapore, Brunei, Hong Kong, Thailand, Malaysia, Australia, Liechetenstein at mga lokal na mga koponan sa Pilipinas na magpapaligsahan sa dalawang araw na karera sa pagsagwan.
Ang pamosong dragon boat racing, isang uri ng flat-water sprint paddling sports na sumisikat sa buong mundo ngayon, ay katulad din ng sprint canoe maliban sa mas mahabang sukat nito at sakay na 18 mananagwan, isang taga-timon at isang tagatambol.
Ang 1st Subic Bay Dragon Boat Championship ay itina-taguyod ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) at Philippine Dragon Boat Federation (PDBF), na inorganisa ng Mayo Production, Inc. (MPI), isang non-stock, non-government organization, na tumutulong sa pagpapalaganap at paglinang sa kultura, arte at isports.
Ayon kay Andrea Muehlhan, founder at pangulo ng MPI, ang naturang torneo ay katatampukan ng tatlong kategorya: ang men, women at mixed competitions sa itinakdang may 500-meter course sa
Dagdag na atraksyon din sa dragon boat race ang iba’t-ibang side events sa dalawang araw na torneo: ang beach volleyball, cheering competition, Mr. and Ms. Dragon Boat Bikini Contest at ang mga rave party kinagabihan.
Ang torneo ay bukas sa lahat ng interesadong lumahok hang-gang Setyembre 15, 2007.
Makipag-ugnayan lamang kay Nestor Ilagan, PDBF Technical Director; o sa PDBF Secretariat sa Rizal Memorial Complex, Metro Manila. (Alex Galang)
- Latest
- Trending