Tatlong lahok sa doubles mula sa Pilipinas ang nakatakdang subu-kan ang kanilang galing kontra sa pinakamahu-husay sa mundo sa pag-palo ng World Badminton Championships sa Agos-to 13-19 sa Putra Stadium sa Kuala Lumpur, Malaysia.
Babandera sa partisi-pasyon ng bansa sa torneo ay ang world-ranked men’s doubles pair nina Lloyd Escoses at Arolas Amahit Jr., na mapapasabak sa opening laban kina David Lind-ley at Chris Langridge ng England, na pang 41st sa mundo.
Sasabak din sa ak-siyon ang pangunahing mixed doubles pair ng bansa na sina Kennevic at Kennie Asuncion at ang ladies doubles team nina Paula at Therine Chan, na nakapasok sa torneo sa bisa ng wild card.
Ang World Championships ay ang highest-ranked individual competition (BWF Events) bukod sa Olympic Games badminton event at para lamang sa may imbitas-yon.
“We’re very excited to join this prestigious tournament. For me, it’s a step closer to my dream of playing in the Olympics,” ani Amahit.
“We know we’ll be up against tough competition but we promise to give our best,” wika naman ni Escoses.
At tulad ng inaasahan, lahat ng koponan ay pinag-hahandaan ang China.