^

PSN Palaro

May kinabukasan pa si Mayol

-

Sa kabila ng kanyang kabiguan, may liwanag pa ring naghihintay kay Filipino light flyweight Rodel Mayol. 

Sinabi kahapon ni Canadian agent Michael Koncz na kailangan lamang ng 25-anyos na tubong Mandaue City, Cebu na umiskor ng mga panalo upang makahirit ng kanyang pangatlong sunod na world title fight. 

“We will talk to discuss our next move. But definitely he will still have his title shot later,” wika ni Koncz kay Mayol, pinabagsak ni Mexican Ulises “Archie” Solis sa 1:13 ng 8th round para sa International Boxing Federation (IBF) light flyweight championship kamakalawa sa All State Arena sa Rosemont, Illinois, USA. 

Ibinunyag rin ni Koncz na sumobra ang kasiyahan ni Mayol para sa kan-yang unang laban sa United States

”I think he was overwhelmed by the huge crowd that came out to watch the fights. He was a little tense in the first round but loosen out in the next rounds,” sabi ni Koncz kay Mayol, may 23-2 win-loss ring record kasama ang 18 KOs. 

Bago ang laban, inilatag na ni American trainer Kenny Adams, naging head coach ng U.S. Olympic Team at nang namatay na si Diego Corrales, ang kanilang game plan ni Mayol. 

”We will used the first to fifth rounds in punching his body to take his stamina away,” wika ni Koncz sa plano nina Mayol at Adams kay Solis, ang nakababatang kapatid ni featherweight Jorge Solis na pinatulog ni Manny Pacquiao sa 7th round noong Abril 14. “We never plan to knock the guy out because we want the fight to end in 12 rounds and wait for the decision.”

 Ngunit hindi ito nangyari matapos kumonekta si Solis, may 25-1-2 (19 KOs) ngayon, ng isang left hook sa kanang panga ni Mayol sa 1:13 ng 8th round. (Russell Cadayona) 

ALL STATE ARENA

DIEGO CORRALES

INTERNATIONAL BOXING FEDERATION

KONCZ

MAYOL

PLACE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with