Gomez pinatalsik ng Taiwanese sa 2007 Guinness 9-Ball Tour
Ang sumisikat na pool star ng Pilipinas na si Gomez, na may 60 Order of Merit points ay kaila-ngan makarating sa finals ng penultimate leg at makapasok sa Top 10 para naman sa Bali finale. Ngunit dahil sa maagang pagkakasibak, nagtapos lamang si Gomez na may kabuuang 90 puntos na kulang sa cut-off margin.
At bagamat hindi maganda ang resulta para sa Pinoy bet, ang kanyang performance kontra sa magaling na Taiwanese ay naging malaking usapan sa potential ng batang cue artist.
Sa nakalipas na tatlong araw sa torneong inorganisa ng ESPN Star Sports, ang Gomez-Yang match ang isa sa kapana-panabik at kasiya-siyang laban na pinanood kung saan nagpalitan ang dala-wang pool players ng kanilang mga pantasti-kong tira.
At sa labanan ng mga de-kalibreng manlalaro, ang isang pagkakamali ay halos pagsuko na sa rack para sa may kontrol ng cue.
Sa naunag quarterfi-nals, tinalo ni Ryu Seung Woo ng Korea si Singa-porean Chan Keng Kwang upang maka-pasok sa semis sa kauna-unahang pagkakataon.
Habang sinusulat ang balitang ito, kasalukuyang naglalaban sina 2005 WPA World Pool champion Wu Chia Ching ng Chinese-Taipei kontra kay Fu Kian Bo ng China, habang nakikipagsargu-han naman si Ronnie Alcano, ang kasalukuyang WPA 8-Ball at 9-Ball world champion kay Chao Fong-Pang.
Ang Guinness 9 Ball Tour Shanghai leg ang pinal na tsansa para sa mga elite cue artists sa Asya para makapasok sa lukratibong Grand Final sa Bali kapag nagtapos sa top 10 ng Order of Merit sa pagtatapos ng torneo.
Ang top ten players na uusad sa $70,000 ay tiyak na aasintahin ang champion prize na $32,000 at ranking tour para sa mga Asian players na nais makasulong sa WPA World 9-Ball Championship.
- Latest
- Trending