^

PSN Palaro

9th place ang iuuwi ng San Miguel-Team Pilipinas

- Mae Balbuena -

TOKUSHIMA, Japan -- Ninth place, 5-2 win-loss record at dalawang pa-nalo sa China.

Ito ang pasalubong ng San Miguel Pilipinas sa pagtatapos ng kanilang kampanya sa FIBA Asia Men’s Basketball Championships sa Asty Toku-shima gym kahapon.

“I’m very proud of this team. Ang hirap ng gina-wa nila. They played four meaningless games after our devastating loss to Jordan but they played for pride,” wika ni Reyes ma-tapos ang 78-76 panalo kontra sa China.

Nakopo ng Nationals ang pinakamataas na posisyon sa consolation round kung saan tinalo nila ang Kuwait, India at Syria sa Group 3 matapos masibak sa Group A ‘Group of Death’ kung saan yumukod sila sa mga bigating Jordan at Iran na kasalukuyang lumalaban sa Kazakhstan sa semifinals para sa final slot.

“I know this is a humble gift.  Pasensiya na kayo, ito lang ang pasalubong namin sa bayan, we hope they would gladly accept it,” ang mapagkumba-bang sinabi ni Reyes.

Ito ang ikalawang pag-kakataong tinalo ng Nationals ang China na nag-padala ng kanilang Team B na qualifying ng tournament para sa 2008 Olympics kung saan nakasi-siguro na sila ng slot bilang host.

Kakabog-kabog pa ang dibdib ng RP team nang maitabla ng kulang sa karanasang team ng China ang iskor sa 76-all mula sa tres ni Chen Chen, 40.5 segundo na lamang ang nalalabing oras sa laro.

Hindi napaboran ng referee ang Pinas sa dalawang sumunod na play nang hindi natawa-gan ng goal tending ang China at wala ring pito nang nag-drive si Jimmy Alapag habang may foul sa dalawang sunod na posesyon ng China.

Gayunpaman, pare-hong walang naipasok na free-throws sina Ke Li at Wu Qian na nagbigay ng pagkakataon sa Pinas na kunin ang trangko na ginawa ni Kelly Williams matapos makakuha ng foul kay Shou Han para sa dalawang freethrows, 2.7 segundo ang natirang oras sa huling posesyon ng China.

Napigil ang hininga ng lahat nang magpakawala ng tres si Yong Wang bago tumunog ang final buzzer ngunit sumablay ito at tuluyang nagdiwang ang mangilan-ngilang Pi-noy na nanood sa venue.

Matapos mabigong makapagpakitang gilas sa preliminaries, bumandera si Danny Seigle sa kan-yang tinapos na 20-puntos para sa Nationals na di nasamahan ni Mark Caguioa bunga ng hyperextended shoulder injury.

Nahigitan ng RP team ang 15th place ng RP noong 2003 sa Harupin, China sa torneong ito at napantayan nila ang pagtatapos ng bansa noong 1997 sa Saudi Arabia.

ASIA MEN

ASTY TOKU

CHINA

COUNTRY

PLACE

REGION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with