^

PSN Palaro

Sa huling pagkakataon, China uli

- Mae Balbuena -

TOKUSHIMA, Japan --Hindi na mahalaga ang 9th place na paglalabanan ngayon ng San Miguel Pilipinas at ng natang-galan ng koronang China.

Ang paglalabanan sa alas-10:15 ng umaga (Alas-11:15 sa Manila) ay respeto.

Parehong nasibak sa kontensiyon ang RP Team at ang kinikilalang basketball powerhouse ng Asia na China na nagpadala lamang ng kanilang Team B sa torneong ito kung saan ang champion ay papasok sa Beijing Olympics na nakasisiguro na ang China bilang host.

Walang ensayo ang RP Team sa kanilang tat-long laban sa consolation round ngunit na-sweep nila ang Group 3 matapos igupo ang Kuwait, India at Syria ngunit ang laban sa China ngayon ang pinag-handaan nila ng husto.

Matapos mabigo sa misyong makarating sa Olympics, malulubag ang loob ng nademoralisang SMC-RP team ang isa pang panalo kontra sa China na hinubaran nila ng korona sa preliminary round sa pamamagitan ng 79-74 panalo, ang tagumpay na ngayon lang natikman ng Pinas kontra sa powerhouse China matapos ang 22-taon.

Malaki ang panghihi-nayang ni Mark Caguioa na hindi makakalaro nga-yon matapos magbalik ang pananakit ng kan-yang hyperextended shoulder injury.

”As much as I want to play, I can’t risk aggravating my injury,” ani Caguioa na nakuntento lamang sa panonood ng practice ng team sa Asty Tokushima gym. “I can’t even raise my arm above my shoulders without experiencing so much pain.”

Hindi naglaro ang star player na si Jimmy Alapag at Kelly Williams dahil sa injuries sa laban kontra sa India ngunit sa laban kontra sa China, hindi magpapaiwan ang dala-wa.

”We had have pretty decent practice because we want to end the tourney with a bang. Realistically it’s a tall order, minus Mark (Caguioa) and the rest are nursing injuries,” ani coach Chot Reyes pagkatapos ng practice.

“We’re definitely not 100 percent against them (China) tomorrow but we really want to win and hopefully we can find a way to grind it out and find a way to win.”

Inaasahan ni Reyes na itotodo na ng China ang kanilang puwersa upang makabawi sa kani-lang kahihiyang sinapit sa 16-team tournament na ito.

“They surely have revenge on their mind but I hope we’re ready, emotionally and mentally prepared,” ani Reyes.

Samantala, sa semifinals, maghaharap naman ang Lebanon at South Korea sa alas-5:00 ng hapon na susundan ng sagupaan ng Iran at Kazakhstan sa alas-7:15 ng gabi.

Ang mananalo sa dalawang matches na ito ang magtutuos para sa titulo sa finals bukas ng alas-7:15 ng gabi.

ASTY TOKUSHIMA

BEIJING OLYMPICS

CHINA

COUNTRY

PLACE

REGION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with