^

PSN Palaro

Salamat sa lahat ng sakripisyo, at sorry kung hindi namin naabot ang pangarap-Reyes

-

TOKUSHIMA, Japan -- Tahimik ang isang silid sa isang restaurant sa salu-salo ng buong delegasyon ng San Miguel-Pilipinas.

Inihanda ito para sana sa malaking selebrasyon.

Walang selebrasyon ngunit ang okasyon ay naging pasasalamat sa sakripisyo ng buong national team sa ilalim ni coach Chot Reyes.

“We thank you for all your sacrifices. You worked so hard for five months. You did everything you can do,” pahayag ni Ricky Vargas ng Talk N Text.

At sa wakas, nagkaroon ng ingay ang kuwarto sa masigabong palakpak ng mga opisyal, ilang media at iba pang bahagi ng Philippine delegation para papurihan ang koponan.

Sumunod na nagsalita si national coach Reyes. Habang nagsasalita si Reyes at nagsisimula nang gumaralgal ang kanyang tinig sa tahimik na silid, umalingawngaw ang mga hikbi.

“I’m very sorry for not meeting the expectation. We’re bleeding right now. I take responsibility for the failed mission,” ang pilit na binigkas ni Reyes habang pinipigil ang pag-iyak. “I thank you for this opportunity to work with this team. “I would go through same experience with this group again.”

Ang  mga namumugtong mata ng ilang players bunga ng pag-iyak sa locker room pagkatapos ng 84-79 pagkatalo sa Jordan ay muling lumuha.

Maliban sa kalantog ng mga pinggan at mga huntahan ukol sa masaklap na pagkatalo ng Pinas, nagkaroon din ng ingay ang silid sa masigabong palakpak na ibinigay ng mga opisyal, iba pang miyembro ng team at ng buong media delegation bilang papuri sa 15-man team na sumabak dito sa Tokushima.

Limang buwang naghanda ang RP Squad na naatasang ibalik ang bansa sa Olimpiyada matapos makaahon ang bansa sa masalimuot na problema sa basketball.

Sa kasamaang palad, naglaho ang magandang pangarap na ito at ang susunod na pagkakataong magkakaroon ng tsansang makakapagpadala ng basketball team sa Olympics ay sa 2012 London games pa. (Mae Balbuena)

CHOT REYES

MAE BALBUENA

PLACE

REYES

RICKY VARGAS

SAN MIGUEL-PILIPINAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with