Nagbida si Luis dela Paz sa kampanya ng De La Salle Zobel sa 22nd season ng Milo Best SBP/Passerelle tournament sa pamamagitan ng 52-49 panalo kontra sa University of Santo Tomas noong Linggo sa Xavier High School gym.
Naghabol sa ikatlong quarter, umiskor si Dela Paz at ibinigay sa DLSZ ang abante para hindi na muling lumingon pa.
Nagtala ng kabuuang 12 puntos si Dela Paz sa nag-iisang Passerelle contest.
Samantala, itinala naman ng defending SBP champion ang 60-29 tagumpay laban sa Notre Dame of Greater Manila para sa kanilang ikalawang sunod na panalo.
Sa iba pang SBP games, binugbog ng Xavier School ang Sta. Clara International Academy, 86-14; dinaig ng La Salle College Antipolo ang San Benildo Integrated School, 70-47; minasaker ng Ateneo de Manila University ang Don Bosco Technical School, 65-22; ginapi ng San Beda ang PWU-JASMS, 61-25; tinalo ng St. Mary’s College angTrinity University of Asia, 61-34; pinabagsak ng Marist School ang DLSZ, 47-37; at dinaig ng San Sebastian College ang Don Bosco Technical School, 47-40.
Nanaig naman ang San Beda at Don Bosco sa laban noong Sabado.