Morales nagningning sa track trials
Ipinakita ni Jan Paul Morales ang pinakama-ningning na numero nang kanyang tapatan ang velodrome record sa men’s 1 kilometer sa Phil-Cycling track trials noong Sabado sa Amoranto Velodrome sa Quezon City.
Nagtala ng isang minuto at 12.07 segundo si Morales nang magwagi ito sa 1km race, at kulang ng segundo sa 1:11 record sa 400m Amoranto open air track (concrete). Nagmintis din ito sa kan-yang sariling 4 segundo na Philippine record na kanyang itinatag noong 14th Asian Games sa 250m indoor wooden track sa Doha, Qatar.
Itinanghal ng Phil-Cycling track commission na pinamumunuan ni Caloy Gredonia at inasistihan ni Philippine National Cycling Association sa pamumuno ni Paquito Rivas, ang iba pang mga nagwagi sa men’s elite category ay sina SEA Games gold medalist Alfie Catalan sa 4-km individual pursuit, Paterno Curtan Jr. sa 4,800 meters massed start at Carlo Jasul sa keirin.
Nakisosyo sa eksena si triathlete at cyclist Kaye Lopez na nagwagi sa dalawang women’s elite event-- ang 1,600 meters massed start (3:09.73) at 3-km individual pursuit (5:26.32).
Nagreyna naman ang beteranang si Marita Lucas sa 500m time trial sa kanyang oras na 45:45 sa trials na suportado ni Air21 chairman Phil-Cycling president Bert Lina at itinataguyod ng Tanduay, Arnel Ty ng LPGMA at Quezon City Mayor Sonny Belmonte at Vice Mayor Herbert Bautista.
Sa junior men, ipina-kita ni Jan Eric Ballecer na isa siyang malaking po-tensiyal sa cycling nang dominahin nito ang tatlong events-- 500 meters time trial (39.63), 800 meters massed start (1:04.59) at 3-km individual pursuit (5:00.90).
Nagtapos naman sina Victor Viray at Michael Singh sa 1-2 posisyon sa 2-km individual pursuit at maging miyembro ng national pool para sa masters category.
- Latest
- Trending