TOKUSHIMA, Japan — Masarap pangarapin na mapanood ang mga Pinoy sa Olympics ngunit apat na taon pa ulit ang hihintayin ng mga Filipino upang magkaroon ng pagkakataong matupad ito.
Naglaho ang panga-rap ng bansa na makara-ting ang bansa sa Beijing Olympics matapos mala-sap ng San Miguel-Pilipi-nas ang masakit na 84-73 pagkatalo mula sa malala-king Jordanians sa FIBA-Asia Men’s Basketball Championships na nag-patuloy sa Asty Toku-shima gymnasium dito.
Inokupahan ng Jordan ang huling quarterfinal slot matapos kunin ang ikala-wang puwesto sa Group A -’Group of Death’ taglay ang 2-1 record at maka-kasama nila sa Group 2 sa quarterfinals ang host Japan, Kazakhstan at Korea.
Habang ang RP-team na huling nakarating sa quadrennial meet noong 1972 Munich games ay patuloy na mangangarap sa Olympics na ang susu-nod na pagkakataon ay sa 2012 pa sa London at makukuntento na lamang sa pakikipaglaban sa classification round para sa 8th to 16th placing.
Nalaglag ang RP squad sa Group 3 kasa-ma ang Kuwait, India at Syria habang nasa Group 4 ang iba pang nasibak na defending champion China, United Arab Emirates, Indonesia at Hong-kong.
“I take full responsibility for this loss,” sabi pa ni Reyes. “I prepared the team the best way I could. I picked the players, I chose the coaching staff but breaks kept us from our goal,” ani coach Chot Reyes.
Ang tinutukoy ni Reyes ay ang pagkakasama ng Pinas sa Group of Death na kinabibilangan ng top-three teams ng Asya at ang di inaasahang technical foul sa bench sa huling maiinit na segundo ng labanan sa laban kontra sa Iran kung saan nai-dikit na ng RP team ang iskor matapos mabaon ng 17-puntos.
Makakalaban ng Philippines ang Syria ngayong alas-9:00 ng umaga (alas-8:00 sa Manila) sa Asty Tokushima.