SMC-Pilipinas Nalo Sa China

TOKUSHIMA, Japan -- Nagkaroon ng liwanag sa daan patungong Olympics.

Ang labing dalawang taong hinintay ng Pilipinas para talunin ang China ay tapos na at may pag-asa na ngayong maibsan ang 35 taong pagkasabik sa Olimpiyada.

Matapos tumanggap ng maraming pagbatikos sa pagkatalo ng RP-5 kontra sa Iran, ayaw naman tumanggap ng papuri ni national coach Chot Reyes sa 79-74 tagumpay ng San Miguel Pilipinas kontra sa defending champion China na ginaganap sa FIBA Asia Men’s Basketball championships sa Asty Toku-shima Multi-purpose Hall dito.

“I wish I could say I did a good coaching job but I can’t. It’s just pure heart,” pahayag ni Chot Reyes. “All we did is play 40 minutes of pure heart.”

Matiyagang naghabol ang RP team na nabaon ng hanggang 14-puntos sa ikalawang quarter at nagpamalas ng mahusay na opensiba at depensa tungo sa kanilang unang panalo sa Group of Death sa 16-team tournament na ito na siyang tanging daan sa Beijing Olympic Games sa susunod na taon sa China.

Nanganganib ang Nationals nang mabura ang naipundar na 8-puntos na kalamangan matapos makalapit ang China sa 74-75 mula sa basket ni Chen Chen, 18.4 se-gundo na lamang ngunit gumawa ng kabayanihan sina Mark Caguioa at Kelly Williams upang isalba ang Pinas na hindi nakaasa kay Danny Seigle na muling binalikan ng kanyang calf injury.

Hawak ang 1-1 karta-da, do-or-die ngayon kontra sa Jordan sa alas-6:00 ng gabi upang ma-kapasok sa quarterfinals.

Samantala, nakasi-guro na sa quarterfinals ang Qatar at Kazakhstan matapos masiguro ang top two position sa Group C bunga ng kanilang malinis na 2-0 record, tulad ng Korea na naka-siguro na rin sa quar-terfinals at Japan matapos pangunahan ang Group D  at Group B.

Dinurog ng Kazakh-stan ang India, 97-77, tinambakan ng Qatar ang Indonesia, 86-45; pina-sadsad ng Korea ang Taipei, 85-70 at sinilat ng Japan ang powerhouse Lebanon, 77-67.

Nanalo din ang Hong-kong, 104-100; nakau-ngos naman ang United Arab Emirates, 69-68 at nasilat ng Hongkong ang Syria, 104-100.

SMC-RP 79 – Alapag 25, Caguioa 16, Raymundo 12, Williams 11, Hontiveros 7, Taulava 4, Helterbrand 4, Norwood 0, Pennissi 0.

China 74 -- Li Yi 14, Bo Wang 14, Ke Li 13, Quiang Bian 10, Kai Zhang 9, Chen Chen 6, Shou Han 3, Ming Yang 3, Yong Wang 2, Lei Chen 0.

Quarterscores: 19-25; 38-49; 56-57; 79-74.

Show comments