Nasa mga mata ng nagdedepensang Red Lions ang hangaring maka-bangon mula sa isang malaking kabiguan.
Sa likod ng 12 puntos, 4 assists at 3 steals ni guard Borgy Hermida, iginupo ng San Beda College ang Mapua Institute of Technology, 89-75, sa pagsisimula ng second round ng 83rd NCAA men’s basketball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan.
“We were kinda soft in the first half but in the third period they came out,” sabi ni coach Frankie Lim sa Red Lions, nanggaling sa isang 69-70 kabiguan sa Letran Knights noong Miyerkules na tumapos sa kanilang five-game winning streak. “The effort to bounce back after that loss to Letran was there.”
Mula sa 68-63 lamang ng Cardinals sa 7:00 minuto sa fourth quarter, isang 17-2 atake ang inilunsad nina Hermida, Pong Escobal, Yousif Aljamal at Nigerian Sam Ekwe upang ilista ang kanilang 80-70 benta-he sa huling 1:38 nito.
Sa unang laro, dumi-retso naman sa kanilang ikalawang sunod na panalo ang Letran mata-pos talunin ang St. Benilde College, 51-49, tampok ang muling pamamayani ni Rey Guevarra.
Muling nagtabla para sa liderato ang Knights at ang Red Lions mula sa magkapareho nilang 6-1 baraha kasunod ang five-time champions San Sebastian College-Reco-letos Stags (3-3), Jose Rizal University Heavy Bombers (3-3), University of Perpetual Help-Dalta System Altas (2-4), Cardinals (2-5) at Blazers (1-6).
Nagsalpak ang 6-foot-2 na si Guevarra ng dala-wang freethrows sa natiti-rang 10.7 segundo mula sa foul ni Garri Sevilla ng Blazers para sa 51-49 lamang ng Knights, ang 2005 NCAA champions. (Russell Cadayona)