Malalaman na ang final 12
Ihahayag ni national coach Chot Reyes ang 12-man roster para sa San Miguel Olympics sa manager’s meeting ma-mayang gabi sa pagsi-simula ng Olympic qualifier na FIBA-Asia Men’s basketball championships sa Tokushima, Japan.
Kumpleto ang 15-man pool ni Reyes na umalis kamakalawa ng hapon para magkaroon ng sapat na panahong magpakon-disyon sa klima at venue sa Tokushima at ngayong araw na ang kanilang final preparation para sa malaking misyon, ang makapasok sa Olympics na 35 taong nang di nakikita ang bandila ng Pilipinas.
Muntik pang hindi makasabay ang Fil-Am na si Gabe Norwood na kinailangang iwanan ang ensayo bago umalis ang RP Team kamakalawa upang sagutin ang mga karagdagang katanungan sa Japanese Embassy bago i-release ang kan-yang visa patungong Japan.
Inaasahang isa si Norwood sa siguradong makakasama sa final line-up kasama sina Kelly Williams, Jimmy Alapag, Dondon Hontiveros, Asi Taulava, Kerby Ray-mundo, Mark Caguioa, Erik Menk at Danny Seigle na binigyan ng go-signal na lumaro mula sa injury.
Ang iba pang miyem-bro ng national pool ay sina James Yap, Renren Ritualo, Ranidel De Ocampo, Mick Pennisi, Jayjay Helterbrand at Tony Dela Cruz. Sa huling practice ngayon ng RP team, madedesisyunan na ni coach Reyes kung sino ang tatlong malalag-lag mula sa national pool na nag-ensayo ng limang buwan para sa torneong ito na siyang tanging daan para sa mga Asian countries tungo sa Olympics na gaganapin sa Beijing China sa susunod na taon.
Labing anim na bansa ang kalahok sa torneong ito kung saan ang kampeon na koponan ang papasok sa Olympics sa susunod na taon o kung hindi man ay runner-up sa China na awtomatiko nang may slot sa Beijing Games bilang host country.
Napasama sa grupo ng mga bigating teams ang Pinas kung saan ang una nilang makakasagu-pa ay ang Iran sa opening day bukas kasunod ang powerhouse team ng defending champion Chi-na sa Linggo at ang Jordan sa Lunes. (Mae Balbuena)
- Latest
- Trending