Nakakakaba!

Ilang araw na lang at sasabak sa digmaan ang National basketball team.

Ito ang tunay na giyera na kanilang tutunguhan at lalabanan kaya naman marami ang interesado at marami ang gustong manood sa magiging laban na ito ng San Miguel-Pilipinas basketball team sa FIBA-Asia men’s championship, ang qualifying ng Olympic basketball na gaganapin sa Tokushima, Japan.

O di ba bigtime uli ang Pinas dahil heto na naman uli at lalaban para sa qualifying ng Olympic.

At kapag pinagpala pa, makakarating uli ang basketball ng Pinas sa Olympics matapos ang matagal na panahon.

Sa July 27 nakatakdang ihayag ang pinal na komposisyon ng Nationals pero ang huling balita, makakasama ang lahat ng nasa pool.

Ka-grupo natin ang powerhouse China, Iran at Jordan na sinasabi nilang ‘Death group”

Okay lang na makasama ang lahat ng nasa pool dahil may katuwiran nga naman na baka ma-injured pa yung iba eh hindi agad makakuha ng replacement.

Sa July 25 ang alis ng delegasyon at excited ang marami sa magiging resulta.

Sana naman po ipagdasal natin ang team na mag-qualify para muli tayong makatuntong sa Olympics.

Marami ang kinakabahan, hindi lamang ang mga basketball officials kundi ang buong sambayanang Pilipino.

Kaya good-luck sa ating team.

Let’s pray for their success!

* * *

Maging ang mga national dailies dito sa ating bansa ay nagkakandakumahug na makapag-kober ng Tokushima Games dahil gusto nilang personal na mapanood ang pakikibaka ng mga Pinoy basketeers dito.

Balita ko nga kahit na yung walang kinalaman sa PBA, SBP at National team ay nakapila sa Japan Embassy para makakuha ng visa para lamang mapanood ang team.

Sana nga maging ang ating mga kababayan sa Japan ay suportahan ang Nationals. Sana manood sila ng games para makapag-cheer.

Malaking tulong yun sa RP-5.

 

 

 

Show comments