Kabuuang P100 milyon ang uutangin ng Philippine Sports Commission (PSC) sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAG-COR) para sa delegasyong isasabak sa darating na 24th Southeast Asian Games sa Thailand sa Disyembre.
Ito ang inaprubahan ng PSC Board sa kanilang huling pulong hinggil sa pondong gagamitin ng national contingent sa nasabing biennial event. “The PSC Board have already approved an advance of P100 million from the Philippine Amusement and Gaming Corporation,” wika kahapon ni PSC Commissioner Richie Garcia. “Part of the budget will go to the participation of our athletes, their equipment and additional uniforms.”
Ang ‘paghiram’ ng sports commission sa PAGCOR ay bunsod na rin ng gastos na papasanin nito para sa pagla-hok ng delegasyon sa 2007 Thailand SEA Games.
Matatandaang hindi pa rin ibinabalik ng PAGCOR at ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dapat sana ay natatanggap na 2.5 percent share ng PSC sa gross income ng dalawang ahensya sapul noong 1998.
“Hopefully, ma-approve na ito ng PAGCOR that will be charge in our monthly remittance,” sabi pa ni Garcia. Sa P100 milyon, ang P50 milyon rito ay gagastusin ng PSC para sa actual participation ng mga national athletes sa 2007 Thailand SEA Games, samanta-lang ang P23 milyon ay para sa billeting at ang P20 milyon naman ay para sa equipment.
Idedepensa ng Team Philippines ang overall championship na nakuha noong 2005 SEA Games. (RCadayona)