Tanging ang defending champion San Beda College na lamang ang natitirang walang talo sa NCAA men’s basketball tournament mata-pos ilista ang kanilang ikali-mang sunod na panalo kontra sa San Sebastian College-Recoletos sa 73-64 panalo sa pagpapatuloy ng 23rd NCAA Men’s Basketball Tournament na nagpa-tuloy kahapon sa The Arena sa San Juan.
Binuksan ng SBC Red Lions sa 21-10 kalamangan sa pagtatapos ng unang quarter at hindi na nila hinayaan pang makaporma ang San Sebas-tian College na lumasap ng kanilang ikalawang talo sa limang laro.
Pinangunahan ni Pong Escobal ang Baste na nag-sosolo na sa liderato, sa kanyang 16-puntos na sinun-dan ni Gilbert Bulawan ng 11.
Muntik nang sinayang ng Jose Rizal University ang 21-puntos na kalamangan ngunit nakabawi sila sa huling bahagi ng labanan tungo sa 79-75 paninilat sa Colegio De San Juan De Letran.
Sa unang laro, pinalasap ng JRU Heavy Bombers, ang unang talo sa CSJL Knights, na walang talo sa apat na games bago ang larong ito, 79-75.
Sumulong naman ang JRU Heavy Bombers sa ikalawang panalo sa limang laro.
Kontrolado ng Knights ang unang tatlong quarters kung saan naitala nila ang pina-kamalaking kalamangan na 21-puntos, 68-47 matapos ang undergoal goal stab ni Alvin Se bago natapos ang third quarter.
Gumamit ang Heavy Bombers ng 23-5 run upang makalapit sa 70-73 mula sa free-throw ni RJ Jasul papasok sa huling dalawang minuto ng labanan.
Tumapos si Wilson ng 23 puntos para sa Bombers habang nagdagdag naman sina forward Marvin Hayes ng 15 points at nine rebounds katulong sina Jay Sena at Jason Nocom na may 14 at 10 points, ayon sa pagkakasunod.