Dahil sa kanyang athleti-cism at attitude, marami ang mag-iinteres kay Jason Castro sa kanyang pagsali sa taunang PBA Draft Pick sa susunod na buwan.
Ngunit pakakawalan muna ng kamador ng Harbour Centre ang isang malaking pag-kakataon na ito nang ihayag nitong maglalaro muna siya sa National team sa huling pagkakataon.
“Playing in the PBA is everybody’s dream but playing for flag and country is something you have to embrace and experience. Walang katulad ang maging member ng national team,” ani Castro. “I’m still young, so I decided to forego my plan of turning pro this year.”
Ang ipinagmamalaki ng Pampanga na si Castro ay isa sa kinokonsiderang miyembro ng Philippine team na lalaro sa SEA Games sa Thailand sa Disyembre.
Si Castro, na gumawa ng kasaysayan sa PBL matapos masungkit ang kanyang back-to-back MVP title ay nag 21 anyos lamang noong naka-raang buwan. Malaking papel ang ginampanan nito nang masungkit ng Harbour Centre ang korona sa katatapos na Unity Cup.
At ang desisyon na ito ni Castro ay malugod na tinanggap nina Harbour Centre owner Mikee Romero at RP coach Junel Baculi.