^

PSN Palaro

Blazers nanlamig sa Stags

- Mae Balbuena -

Naasahan sina Pam-boy Raymundo at Jim Viray sa freethrow line sa huling 20-segundo ng labanan upang tulungan ang San Sebastian College-Recoletos sa 60-54 panalo kontra sa College of Saint Benilde sa pagpa-patuloy ng 83rd NCAA men’s basketball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan.

Umiskor ng apat na freethrows sina Ray-mundo at Viray upang pigilan ang paghahabol ng CSB Blazers tungo sa kanilang ikatlong panalo sa limang laro.

Tumapos ang forward na si Viray ng 16-puntos na sinundan ng 11 at 10 puntos nina Jimbo Aquino at Juanito Quiamco ayon sa pagkakasunod para sa Stags.

Umiskor ang 5-foot-9 na si Raymundo ng tres para sa 56-52 kalama-ngan papasok sa huling dalawang minuto ng labanan ngunit naidikit ito ni Martin Urra sa 54-56.

Ang dalawang free-throws ni Urra ang nagla-yo ng iskor sa 58-54, 20.6 segundo na lamang.

Kumamada naman si Raymundo ng lima sa huling pitong puntos para sa panalo.

Bagamat nabokya ang slotman na si Jason Ballesteros, humatak naman ito ng 14 rebounds at may tatlong blocked shots para sa Baste na lalong nabaon sa kulelat na posisyon bunga ng 1-4 kartada.

Sa ikalawang laro ginapi ng MIT Cardinals ang UPHDS Altas, 85-75.

COLLEGE OF SAINT BENILDE

JASON BALLESTEROS

JIM VIRAY

JIMBO AQUINO

JUANITO QUIAMCO

MARTIN URRA

RAYMUNDO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with