BAP-SBP, pangmatagalan ang plano
Malinaw na pangmata-galan ang mga programang inilalatag ng BAP-SBP para sa sport na basketbol. Sa nakaraang linggo, iniluklok nila si Ramon Fernandez, Eric Altamirano at Franz Pumaren sa mga mahahalagang posisyon.
Si Fernandez ay training director para sa Visayas, si Altamirano para sa National Capital Region, at si Pumaren naman ang magiging head coach ng Philippine youth team.
Dahil dito, magiging iisa na ang antas ng paglalaro dito sa Pilipinas. Karaniwan, sa mga lokal na patimpalak, ang mga taga-Metro Manila ang nag-wawagi. Nararapat lang na maibahagi ang kaalaman ng mga coach sa buong bansa. Madalas, ang mga coach sa Metro Manila ang nakakapunta sa mga coaching clinics o nakakapag-aral sa ibang bansa, at halos lahat ng kila-lang commercial team ay hawak nila.
Sa isang dako, maganda rin na may iba-ibang estilo ng paglalaro sa ating bansa. Halimbawa, sa Visayas mahilig silang tumakbo ng tumakbo.
Sa Mindanao, maraming shooter. Sa norte naman, maraming magagaling na guwardya. Maganda sanang pagsama-samahin ang mga kinaugaliang ito, upang mahu-bog na ang tunay na anyo ng iisang Philippine basketball.
Kinumpirma ni Gregorio sa inyong lingkod na kinakausap na ng BAP-SBP si Butch Ramirez, chairman ng Philippine Sports Commission, para sa kanilang programa sa Mindanao. Matatandaang si Ramirez ang pasimuno ng “Sports for Peace” na nag-buklod sa napakaraming magkakaibang grupo doon. Marami namang may kakaya-han na magpatakbo ng basketbol training center sa Luzon, tulad nila Yeng Guiao at Gil Cortez sa Pampanga, o si Leo Arnaiz sa Baguio. Kinakailangan lamang ay suporta.
Hindi natin alam ang mangyayari sa paglahok ng RP-SMC team sa FIBA-Asia tournament. Pero maganda na ring pagplanuhan ang kinabukasan.
Alam naman nating pan-samantala lamang ang pagta-guyod ng PBA sa pamban-sang koponan, at hindi nila talaga ito trabaho.
Ang isang nakalulungkot dito ay may nabuo nang national team ang BAP (Ce-buana Lhuillier) noong pang-himasukan ito ng Philippine Olympic Committee at ma-suspindi ang bansa sa international competition.
Sa wakas, malinaw na ang magiging kinabukasan ng basketbol sa Pilipinas.
- Latest
- Trending