^

PSN Palaro

National Media 9-ball sasargo na

-

OLONGAPO City — Aarangkada muli sa ikalawang pagkakataon ang National Media 9-Ball Tournament 2007 sa darating na Hulyo 21-22 na gaganapin sa Jordan Billiard Hall, Olongapo City.

Nakahandang magharap-harap ang may 50-miyembro ng ma-mamahayag mula sa print, radio at television hindi lamang  maki-pagtunggali sa naturang torneo kundi magkaroon ng pambihirang pagsasama-sama ang mga media practitioners sa araw ng okasyon.

Ang 2nd National Media 9-Ball Tournament ay sunod sa unang 1st National Media 9-Ball tourney na matagumpay na idinaos noong nakalipas na taon sa Subic Bay Freeport Zone.

Ang naturang torneo ay inihandog ng pahayagang The Philippine Star, Pilipino Star NGAYON at PM (Pang-Masa) na sinuportahan (major sponsors) ng Subic Bay Metropolitan Authority, Subic Bay Press Corps, PAGCOR, Global Terminal and Development Inc, (Subic), PTT Philippines Trading Corp. (Subic), Ms. Susan Grimm (Brookes Personal Care), Subic Majestic Hotel, San Miguel Brewery (SMC), Mr. Rolen C. Paulino, Atty. Noel Y. Atienza, Dra. Luigi Lipumano, Ocean Adventure, at co sponsors nito ang Autowide International (Subic) Corp., Subicwater, The Ritz Tropical Spa (Subic), Gov. Amor Deloso, Mr. Emiliano C. Canlas, Mr. Eduardo Baluyut, Mr. Lito Calingod at Ms. Christina De Leon.

Para sa mga nais lumahok, maaaring tawagan o i-text si Pilipino Star Ngayon correspondent Jeff Tombado sa telepono bilang (047) 252-4582 (0927-387-0839). May mga cash prizes at trophies na naghihintay para sa mga magwawagi. -  (Jeff Tombado)

AMOR DELOSO

AUTOWIDE INTERNATIONAL

BALL TOURNAMENT

BROOKES PERSONAL CARE

JEFF TOMBADO

NATIONAL MEDIA

SUBIC

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with