Laro Bukas
(The Arena, San Juan)
2 p.m. San Sebastian vs St. Benilde (Srs)
4 p.m. Perpetual Help vs Mapua (Srs)
Nagpakawala si Ryan Buenafe ng season high 44 puntos para kumplementuhan ang kanyang triple-double performance at dugurin ng defending champion San Se-bastian College ang Jose Rizal University, 109-96, sa NCAA juniors basketball tournament sa The Arena, San Juan.
Nagtala naman ng 29 puntos si John Noble at nag-ambag ng pinagsamang 40 puntos ang magkapatid na Kelvin at Kristoffer Alas nang igupo ng Letran ang Perpetual Help, 117-72.
Hindi napigilan ng Light Bombers ang pananalasa ni Buenafe lalo na sa offensive nang kumana ito ng 20-of-34 shooting mula sa field.
Humatak din si Buenafe ng 11 rebounds at 10 assists sa loob ng 34 minutong paglalaro.
Sa ikatlong laro, nanaig ang CSB-La Salle Greenhills kontra sa San Beda, 70-62.