^

PSN Palaro

Mayol makakaharap ang utol ni Jorge Solis

-

Matapos si Mexican featherweight Jorge Solis, ang nakababatang utol naman niyang si Ulises ang haharap sa isa pang Filipino boxer.

Nakatakdang itaya ng batang Solis ang kanyang hawak na World Boxing Council (WBC) minimumweight belt kontra kay Filipino challenger Rodel Mayol sa Agosto 4 sa All State Arena sa Rosemont, Illinois.

Ang Solis-Mayol championship fight ay undercard sa WBC lightweight showdown nina titlist David Diaz at dating three-division champion Erik Morales.

Ang kuya ni Solis na si Jorge ang pinabagsak ni Filipino WBC International super featherweight titlist Manny Pacquiao sa seventh round noong Abril 14 sa Alamodome sa San Antonio, Texas.

Hangad naman ni Solis na maiganti ang kanyang kuya sa pamamagitan ng pagpapatulog kay Mayol, kasalukuyang nagsasanay sa Top Rank Gym ni Bob Arum sa Las Vegas, Nevada.

Si Mayol, may 23-1 win-loss ring record kasama ang 18 knockouts, ay sinasanay ni Kenny Adams, ang coach ng U.S. Olympic Team sa 1988 Games sa Seoul, Korea at sa 1984 Games sa Los Angeles.

“Gusto ko ring maging world champion kagaya nina Nonito Donaire, Jr. at Florante Condes,” wika ni Mayol kay Donaire, ang bagong kampeon sa IBF flyweight division, at kay Condes, ang hari ngayon ng IBF minimumweight class.

Ibinabandera ni Solis ang 24-1-2 (18 KOs) slate at nanggaling sa isang ninth round TKO kay dating WBC king Jose Antonio Aguirre noong Mayo 19  para sa kanyang ikatlong sunod na title defense.

Walong Filipino boxers ang napabilang sa Top 10 sa pinakahuling listahan ng prestihiyosong Ring Magazine sa pangunguna ni international super featherweight champion Manny Pacquiao.

 Bukod kay Pacquiao, ang iba pang Pinoy fighters na nasa Top 10 ng Ring Magazine sina flyweight  Donaire, Jr., (No. 2), minimumweight Condes (No. 3), super bantam-weight Rey “Boom Boom” Bautista (No. 5), super flyweight Z “The Dream” Gorres (No. 10), flyweight Brian Viloria (No. 8) at sina featherweight Rodel Mayol (No. 7) at Eriberto Gejon (No. 8) (Russell Cadayona)

vuukle comment

ALL STATE ARENA

ANG SOLIS-MAYOL

BOB ARUM

PARAGRAPHTYLE

RING MAGAZINE

RODEL MAYOL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with