Pagulayan pinaamo ni Amir
Maganda ang simula ni Pagu-layan na umabante sa 4-1 kalama-ngan ngunit ang mga ‘di kapa-nipaniwalang pagkakamali ni Pi-noy bet sa sixth at seventh rack ang nagbigay daan para kay Amir na makabawi at itabla ang iskor sa 4-all.
Nasira ang laro ni Pagulayan na nagmintis sa isang corner pocket attempt sa eight rack at na-scratch sa 10th na nagbigay ng daan para sa Malaysia na mada-ling marun-out ang lamesa para sa 7-4 kalamangan.
Nakabawi ang tinaguriang ‘The Lion’ na si Pagulayan para ku-nin ang 9 - 7 pangunguna ngunit ang break at run-out sa 17th rack at ang napakapal na tira sa black eight ni Pagulayan ang nagpala-kas ng kumpiyansa kay Amir para muling itabla ang iskor sa 9-all.
Nagpalitan ng racks ang dala-wang players para sa 10-pagta-tabla kaya kinailangang ipatupad ang ‘ two-rack advantage’ para sa panalo na ginagamit lamang sa semis at finals ayon sa rules ng competisyon.
Sa kasamaang palad, naubos na ang diskarte ni Pagulayan para matira ang mga safety shots ni Ibrahim na gumamit ng depensa at lalong demoralisahin ang Pinoy.
Napakaraming unforced errors ni Pagulayan para isuko ang 11-13 panalo sa Malaysian na ngayon pa lamang nakapasok ng finals sa tour kung saan makakalaban niya ang mananalo sa pagitan nina 2005’s World Pool Champion Wu Chia-Ching at Kaohsiung leg winner Yang Ching-Shun na naglala-ban pa sa isang semis match habang sinusulat ang balitang ito.
- Latest
- Trending