^

PSN Palaro

Wonjongkam vs Donaire di matutuloy

-

Hindi mangyayari ang gusto ni world flyweight champion Pongsaklek Won-jongkam na itakda ang kani-lang unification fight ni Nonito “The Filipino Flash” Donaire, Jr. sa Thailand.

Ito ang paniniyak ni Gary Shaw, tumatayong promoter ng 24-anyos na si Donaire, matapos na ring maghamon ang 29-anyos na si Pongsak-lek para sa isang unification fight.

“We wiill not be fighting  in Thailand,” sabi ni Shaw bi-lang sagot sa hamon ng kam-po ni Pongsaklek, ang kasa-lukuyang World Boxing Council (WBC) flyweight champion. “If Wonjongkam wants to fight Nonito it will be on an international stage in front of a worldwide television audience.”

Kung si Pongsaklek, may 65-2-0 win-loss-draw ring record kasama ang 34 knockouts, ang hari sa WBC, si Donaire naman ang kam-peon sa International Boxing Federation (IBF).

Umiskor si Donaire, nag-dadala ng 18-1 (17 Kos), ng isang fifth round KO sa dating IBF titlist na si Vic Darchin-yan ng Armenia sa kanilang championship fight noong nakaraang Linggo.

“I really want to fight the best in the flyweight division,” wika ng tubong General Santos City na si Donaire. “A unification fight is certainly welcome to me.”

Si Donaire, nakabase ngayon sa San Leandro, California, ay nasa isang 17-fight winning streak matapos pabagsakin si Darchinyan.

Bago asahan ang unification fight kay Donaire, itataya muna ni Pongsaklek ang kanyang WBC crown laban kay Japanese challenger Daisuke Naito, nagtataglay ng 30-2-2 slate, sa Korakuen Hall sa Tokyo, Japan.  (Russell Cadayona)

  

  

DAISUKE NAITO

DONAIRE

FIGHT

PLACE

PONGSAKLEK

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with