IBF lightweight title ang nais ni Amonsot
Sa pagkakapanalo ng dalawang Filipino fighters ng world championship belts, matinding laban ang inaasahan ni world lightweight champion Michael Katsidis mula kay Czar Amonsot.
“We expect a really tough fight from this young Filipino,” wika kahapon ni Brendon Smith, trainer ng Australian titlist na si Katsidis kay Amonsot.
Nakatakdang itaya ng 26-anyos na si Katsidis ang kanyang suot na International Boxing Federation (IBF) lightweight crown laban sa 21-anyos na si Amonsot sa Hulyo 21 sa
Hangad ni Amonsot, ang kasalukuyang World Boxing Organization (WBO) Asia-Pacific titlist at nagdadala ng 18-2 win-loss ring record, na maging ikatlong Filipino na tinanghal na world boxing champion ngayong buwan matapos sina flyweight Nonito “The Filipino Flash” Donaire, Jr. at minimum-weight Florante “The Little Pacquiao” Condes. (Russell Cadayona)
- Latest
- Trending