Natalo man ang Lebanon sa SMC-Pilipinas, may pagkakataon na silang makaganti.
Ginulantang ng Lebanon ang China team, 77-71 kagabi sa final elimination game ng 4-nation Smart Manila Invitationals na nagpatuloy sa The Are-na sa San Juan kagabi.
Ito ang nagbigay ng malaking posibilidad ng muling paghaharap ng Lebanon at ng RP squad para sa finals ng 4-day tournament na ito na final preparation ng mga teams para sa FIBA-Asia Tournament na gaganapin sa July 26-August 5 sa Japan.
Sa ikalawang laro, ihiniya ng SMC-Pilipinas ang Syria, 92-79.
Ang panalo ng RP Team kontra sa Lebanon noong opening day, 88-83 at ang panalo ng China kontra sa SMC-Pilipinas kamakalawa, 77-74 at laban sa Syria ay nag-bunga tripletie sa 2-1.
Dahil dito, ang Lebanon at ang RP-Squad ang may pinakamataas na quotient kaya sila ang maglalaban para sa titulo ng 4-day tournament na ito. Maglalaban naman ang China at Syria para sa konsolasyong third place. (M Balbuena)