^

PSN Palaro

Green Archers ‘di nagpahuli

- Mae Balbuena -

Sadyang ayaw magpaiwan ng La Salle sa karibal na Ateneo.

Nilampaso ng DLSU Green Archers ang Adamson University sa loob lamang ng first half kahapon upang magposte ng 99-74 panalo at sumalo sa liderato ng UAAP men’s basketball tournament.

Mistulang tinapos na ng Archers ang laban matapos ang dalawang quarters nang kumuha sila ng 50-29 abante at paglaruan na lamang ang Falcons sa second half tungo sa kanilang ikalawang sunod na tagumpay.

Sa first half pa lamang, naka-double-double na si Rico Maierhofer matapos umiskor ng 17 puntos at humatak ng13 rebounds upang pamunuan ang paglayo ng La Salle.

Ang panalo, na nagpatibay ng pre-season forecast ng mga eksperto na isa ang Achers sa mga paborito matapos ang isang taong suspensiyon, ay naghanay sa La Salle sa mga league leaders na Ateneo at University of the East na katabla nila sa 2-0 kartada.

Sa ikalawang laro, nagtulong sina Marlon Adolfo at Ric Cawaling sa unang quarter kung saan nakalayo ang Far Eastern University upang kontrolin ang laro at ipalasap sa defending champion University of Santo Tomas ang 81-66 pagkatalo.

ADAMSON UNIVERSITY

ATENEO

FAR EASTERN UNIVERSITY

GREEN ARCHERS

LA SALLE

MARLON ADOLFO

RIC CAWALING

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with