Makaahon sa kahirapan ang pangarap ni Condes
”Ang pangarap ko talaga ay ang makaahon kami mula sa kahirapan. Talaga naman kasing galing kami sa hirap eh. At hanggang ngayon ganoon pa rin ang sitwasyon namin,” wika ng 27-anyos na si Condes kahapon. “Siyempre, gusto ko ring magkaroon kami ng bahay sa probinsya para sa nanay ko.”
Sa kanyang pag-agaw sa suot na International Boxing Federation (IBF) minimumweight crown kay Muhammad Rach-man ng Indonesia, tatanggap si Condes ng maba-bang $3,700 bilang purse prize.
Nakatakda namang dumating si American promoter Bobby Bostick upang pormal na ibigay kay Condes ang kanyang tseke na ayon sa kanya ay nagkakahalaga ng $9,500.
Ang nasabing halaga ay siyang pinirmahan ng co-manager ni Condes na si Dante Ortiz bilang promotional agreement kay Bostick noong Mayo katuwang ang Trivino Promotions.
”Siguro hanggang kaya ko pang magbok-sing, patuloy pa rin ako sa paglaban. Gusto ko talagang maging undisputed champion ng matagal at makalaban ko ang mga pinakamagagaling sa weight division ko,” ani Condes, may 22-3-1 win-loss-draw ring record kasama ang 20 knockouts.
Kaugnay nito, iniluklok naman si Condes ng prestihiyosong Ring Magazine bilang No. 3 sa buong mundo matapos ang kanyang panalo kay Rachman, naghahamon ng rematch sa Disyembre.
Naungusan ni Condes, gustong isama ni Manny Pacquiao sa undercard ng kanyang rematch kay Mexican legend Marco Antonio Barrera sa Oktubre 6 sa Mandalay Bay sa Las Vegas, Nevada, sina World Boxing Council (WBC) champion Eagle Kyowa (No. 4) at Rachman (No. 5) sa ilalim ni WBO titlist Ivan Calderon (No. 1) at Yutaka Niida (No. 2). (Russell Cadayona)
- Latest
- Trending