Orchid Country Club, Singapore -- Maagang nagparamdan si reigning double-world champion Ronnie Alcano habang lumasap naman ng paunang kabiguan si Marlon Manalo sa hindi magandang panimula ng kampanya ng Philippines na wakasan ang pagkauhaw sa 9-Ball tour dito.
Tinalo ni Alcano si Eric Tan ng Singapore sa isang lopsided na 9-2 panalo ngunit hindi naman sinuwerte si Manalo na yumuko kay Ricky Yang, 9-5 sa The Orchid Country Club sa Singapore.
Bagamat hindi kilala ni Alcano ang kanyang kalaban, hindi ito nagbigay ng butas kay Tan at maagang angkinin ang bentahe, 4-0.
Ngunit isang masamang safety sa green six sa ikalimang rack ang nagbigay kay Tan na makaiskor 1-4.
Ngunit isang drybreak ni Tan sa sumunod na rack ang mabilis na nagbigay bentahe kay Alcano na sinamantala ang oportunidad sa error ng Singaporean at nagpakita ng mahusay na tira makaraang tirahin ang mahirap na 5-9 carom combo sa ikaanim na rack at mahusay na 3-9 combo sa 7th para sa 6-1 iskor.
Samantala, nangapa ng husto si Manalo, paborito sa Group F na naungusan ng number 1 player sa Indonesia na si Ricky Yang.
Samantala, dalawa pang Pinoy ang nakikipagtum-bukan sa kanilang opening match habang sinusulat ang balitang ito.
Kalaban ni Roberto Gomez si Genting leg finalist Dharminder Singh Lilly habang ang 2004 World pool champion na si Alex Pagulayan ay nakikipagsarguhan sa isa pang Indonesian na si Muhammad Zulfikri.