Donaire hinahamon ng Thai champion

Sa layuning ipakita na siya ang pina-kamagaling na boksingero sa flyweight division, bukas si World Boxing Council (WBC) champion Pongsaklek Wonjong-kam ng Thailand na sagupain ang bagong International Boxing Federation (IBF) titlist na si Nonito “The Filipino Flash” Donaire, Jr. para sa isang unification fight. 

Ayon sa manager nitong si Piyarat Vachirarattanawongse, tatanggapin lamang nila ang unification bout kung maganda ang matatanggap na prize purse ni Pongsaklek. 

’’If they offer us a very lucrative deal we would want the fight,’’ ani Piyarat sa kampo ni Donaire kahapon. ‘’Pongsaklek can fight anyone and anywhere in the world, it just depends on the offer. I think Pongsaklek is better than Donaire so it is up to Donaire to challenge us.”

Ang 24-anyos na si Donaire ang pinakamainit na flyweight fighter ngayon matapos pabagsakin ang dating IBF at undefeated titlist na si Vic Darchinyan ng Armenia sa 5th round ng kanilang championship bout noong Linggo.

Katulad ni Pongsaklek, nagdadala ng matinding 65-2- win-loss ring record kasama ang 34 knockouts at nauna na ring hinamon si Darchinyan, hangad rin ni Donaire na maitakda ang kanilang unification fight. 

“My plan is to unify the flyweight division before going back to super-flyweight,” sabi ng tubong General Santos City na nakabase ngayon sa San Leandro, California. “Weight is definitely not an issue for me right now as I feel comfortable making the flyweight limit.” 

Dala ni Donaire, naipaghiganti ang pagkakabasag ng panga ng kanyang nakatatandang kapatid na si Glenn kay Darchinyan noong Oktubre 2006, ang 18-1 (11 KOs) slate. Bago plantsahin ang kanilang unification fight ni Donaire, idedepensa muna ng 29-anyos na si Pongsaklek ang kanyang WBC crown sa ika-18 pagkakataon laban kay Naito Daisuke(30-2-2, 20 KOs) ng Japan sa susunod na Miyerkules kung saan tatanggap ang Thai warrior ng $100,000. (Russell Cadayona)

Show comments