TAIPEI - Nagwakas sa kalungkutan ang kam-panya ng San Miguel-Team Pilipinas sa 29th William Jones Cup bas-ketball tournament mata-pos na tambakan ng Kazakhstan, 107-90 kahapon sa Shinchuang Stadium.
Buhat sa pangarap na ikalawang puwesto, bu-magsak sa ikali-mang puwesto ang SMC-Team Pilipi-nas sa kar-tang 5-4.
”I saw this coming since the se-cond half of yesterday’s game against Qatar. I tried to remedy the situation by practicing early this mor-ning,”ani national coach Vincent “Chot” Reyes na dumiretso kaagad sa bus ng team matapos ang laro. “They (the Nationals) are confined to the bar-racks tonight. Nobody visits them. Lights out at 10.”
Maging si team ma-nager Robert Non, na nagpapahanap na ng restaurant para sa masa-rap na hapunan para sa inaasahang victory cele-bration sa Sunworld Dynasty Hotel kung saan nag-padeliber na rin ng ilang kahong San Miguel Beer, ay nawalan ng gana at nagsabing, “Doon na lang sila sa hotel kumain.”
Maganda sana ang simula ng Fili-pinos nang gumawa ng sampung puntos si Mark Caguioa sa first quarter upang makalamang ang RP Team, 22-21.
Subalit nagtamo ng knee injury ang karelyebo niyang si James Yap may 5:01 ang nalalabi sa second quarter at siya ay binuhat palabas ni Paul Asi Taulava.