Limang taon na ang nakakalipas nang unang mapagwagian ni Willie Miller ang Most Valuable Player ng Philippine Basketball Association.
At ngayon, isa si Miller sa limang naghahabol para sa prestihiyosong parangal na ito.
At habang papalapit na ang pagsasara ng 2006-2007 season, na-ngunguna sa listahan ng MVP contender ang Alaska Aces guard na si Miller na kinabibilangan din nina Mac Mac Car-dona ng Talk N Text, rookie Kelly Williams ng Sta. Lucia, Arwind Santos at Gary David ng Air21 at ang MVP noong naka-raang taon na si James Yap ng Purefoods.
Ang tatanghaling MVP ay pararangalan bago ang Game 4 sa pagitan ng Phone Pals at Aces sa Annual Awards Night na nagbibigay parangal sa pinakamahuhusay at pinakamaniningning na bituin ng 32nd season ng PBA.
Si Miller ang MVP noong 2002 kung saan sa Red Bull pa siya naglalaro.
At ang paghahangad niya ng kanyang ikala-wang MVP trophy, uma-asa si Miller na susundan niya ang mga yapak nina Ramon Fernandez, Alvin Patrimonio, William Ador-nado, Alberto Guidaben, Benjie Paras at Danny Ildefonso bilang piling players na nagwagi ng parangal ng dalawa o higit pang ulit.
At sa ipinakikita ni Miller, kasama si Cardona, lumalapit din sila sa Mythical Selection kasama sina Williams, David, Yap, Santos , Wynne Arboleda, Alex Cabagnot, John Arigo, Jeffrey Cariaso, Ali Peek, Jay-R Reyes, Eric Menk, Yancy de Ocampo, Dorian Peña, Jay Washington, Harvey Carey, Mark Telan, Nic Belasco at Ildefonso.
Si Williams, ang no. 1 pick sa nakaraang PBA Draft, ang pangunahing contender sa Rookie of the Year title na pinagla-laban din nina Santos, Reyes, Lewis Alfred Tenorio ng SMB at JunJun Cabatu ng Welcoat.