Ang paglimita sa mga kamador ng multi-titled San Beda Red Cubs ka-sabay naman ng ratsada ni top scorer Kevin Alas.
Ito ang naging sandata ng Letran Squires sa 106-92 paggupo sa Red Cubs para gumawa ng isang three-way logjam sa liderato ng 83rd NCAA junior’s basketball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan.
Ang nasabing panalo ang naghanay sa Letran, San Beda at nagde-depensang San Sebas-tian sa unahan sa magka-katulad nilang 2-1‘ rekord.
Tumipa si Alas ng season-high 40 puntos, 7 rebounds, 2 assists at 1 shotblock para sa ikala-wang sunod na panalo ng Intramuros-based dribblers ni coach Elmer Latonio.
Mula sa maliit na 28-27 lamang sa first period, pinalaki ng Squires ang kanilang abante sa 58-45 sa halftime patungo sa kanilang 78-58 pagbaon sa Red Cubs sa huling 1:15 sa third quarter.
Sa ikalawang laro, tinalo naman ng Staglets ang La Salle-Greenhills Greenies, 105-83, na nag-hulog sa 1-2 baraha ng huli.
Sa ikatlong laro, sinungkit ng host school Jose Rizal University ang ikalawang panalo makaraang igupo ang University of Perpetual Help Dalta System, 98-77. (Russell Cadayona)