Isang come-from-behind na panalo ang itinala ng Filipino na si Marlon Manalo upang malusutan si American Tommy Kennedy, 9-8 at isubi ang titulo sa Seminole Florida Pro Tour sa Capones Billiards hall sa Spring Hill, Florida.
Dahil sa panalong ito, kumita si Manalo ng $3,500 at si Kennedy naman ay $2,000. Naibulsa naman ni Warren Kiamco ang halagang $1,200 bilang fourth placer.
Ito ang ikalawang pagkakataon na nagwagi ang 30 anyos na Pinoy sa Seminole Florida Pro Tour. Ang una ay nang magtapos itong first place noong April 28-29 sa Strokers Billiards sa Palm Harbor, Florida kasunod ang ikatlong puwesto noong May 5-6 sa New Wave Billiards sa Miami, Florida.
Hindi naging madali para kay Manalo ang daan patungo sa Finals. Matapos mag-bye sa opening round, tinalo ni Manalo sina Randy Whitehead, 7-0, Paul Song, 7-3, David Reljic, 7-3, David Broxson, 8-2, bago bumigay kay Stevie Moore, 8-7at malaglag ito sa loser’s brackets.
Bumangon si Manalo nang madisgrasya niya ang kababayang si Dennis Orcollo, 8-3, Kiamco, 8-3 at rematch kay Moore, 8-2 bago igupo si Kennedy.