^

PSN Palaro

Manalo, kampeon sa Seminole Florida Pro Tour

-

Isang come-from-behind na panalo ang itinala ng Filipino na si Marlon Manalo upang malusutan si American Tommy Kennedy, 9-8 at isubi ang titulo sa Seminole Florida Pro Tour sa Capones Billiards hall sa Spring Hill, Florida.

 Dahil sa panalong ito, kumita si Manalo ng $3,500 at si Kennedy naman ay $2,000. Naibulsa naman ni Warren Kiamco ang halagang $1,200 bilang fourth placer.

Ito ang ikalawang pagkakataon na nagwagi ang 30 anyos na Pinoy sa Seminole Florida Pro Tour. Ang una ay nang magtapos itong first place noong  April 28-29 sa Strokers Billiards sa Palm Harbor, Florida kasunod ang ikatlong puwesto noong May 5-6 sa New Wave Billiards sa Miami, Florida.

Hindi naging madali para kay Manalo ang daan patungo sa Finals. Matapos mag-bye sa opening round, tinalo ni Manalo sina Randy Whitehead, 7-0, Paul Song, 7-3, David Reljic, 7-3, David Broxson, 8-2, bago bumigay kay Stevie Moore, 8-7at malaglag ito sa  loser’s brackets.

Bumangon si Manalo nang madisgrasya niya ang kababayang si Dennis Orcollo, 8-3, Kiamco, 8-3 at rematch kay Moore, 8-2 bago igupo si Kennedy.

vuukle comment

AMERICAN TOMMY KENNEDY

CAPONES BILLIARDS

CITY

DAVID BROXSON

MANALO

PLACE

STATE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with