Ilang koponan sa Philipine Basketball Association ang kumukuwestiyon sa naganap na trade nitong nagdaang linggo na kinasangkutan nina Enrico Villanueva, Romel Adducul at Don Camaso.
Binatikos nina Sta. Lucia board representative Buddy Encarnado at ng kanyang Alaska counterpart na si Joaqui Trillo ang sistemang ipinatupad ng PBA na RTL o Restricted Trading List kung saan ang mga players sa naturang listahan lamang ang puwe-deng ipagpalit-palit sa trade.
Nitong nakaraang linggo, ipina-tanggal ng Red Bull si Villanueva sa RTL para maipalit kay Romel Adducul sa pakikipagkasundo sa San Miguel Beer. Pagkatapos nito, ipinasa nila si Adducul sa Purefoods kapalit lamang ay si Don Camaso at may kasamang future second round pick.
“How can that trade be fair? I don’t buy the reason they (Red Bull) stipulated in letting Villanueva go,” ani Encarnado patukoy sa idinadahilan ng Bulls na kaya nila tinanggal sa RTL si Villanueva at pinalitan ni Mick Pennisi dahil ang dating Ateneo star ay hindi umano masaya sa Red Bull.
At dahil dito, napakawalan nila si Villanueva, kamakailan lamang ay idi-nagdag ni national coach Chot Reyes sa San Miguel-Pilipinas team at mata-pos ang dalawang trade, si Camaso ang nakuha nilang kapalit.
“What is black is black and what’s white should be white,” wika ni Trillo. “(Don) Camaso should also be in the RP Team because that’s what it (trade among the three teams) all boils down to.”
Ayon kay Encarnado kung ‘insu-bordinate’ si Villanueva, bakit pa ito kinuha sa national team o di kaya’y big-yan ng parusa ni PBA Commissioner Noli Eala.
Hindi rin nagustuhan ng Coca-Cola at ng Welcoat ang naganap na palitan ng players ayon kina Encarnado at Trillo na nakatakdang ihayag ang kani-lang sentimiyento sa special board meeting sa susunod na linggo. (Mae Balbuena)