Sa kauna-unahang pagkakataon, nagka-harap ng personal sina Filipino fighter Bobby Pacquiao at Mexican warrior Humberto Soto sa isang press conference kahapon sa El Paseo Restaurant sa Los Angeles, California.
Ang pagtatagpo nina Pacquiao at Soto ay para sa kanilang non-title super featherweight fight na nakatakda sa Hunyo 9 bilang undercard ng Miguel Cotto-Zab Judah world welterweight championship sa Madison Square Garden sa New York.
“Talagang pinagha-handaan kong mabuti itong laban na ito kasi baka makakuha na ako ng isang title fight kung mananalo ako kay Soto,” sabi ng 26-anyos na utol ni Filipino boxing hero Manny Pacquiao.
Tangan ni Bobby Pac-quiao ang 27-12-3 win-loss-draw ring record kasama ang 12 knockouts, kumpara sa mata-yog na 41-5-2 (25 KOs) ni Soto, ang No. 2 contender sa World Boxing Council (WBC) na kasalukuyang pinaghaharian ni Juan Manuel Marquez.
Sinasabing ang mana-nalo sa pagitan nina Bobby Pacquiao, dating may suot ng WBC Con-tinental Americas super featherweight crown, at Soto ang makakakuha ng isang mandatory title shot sa 33-anyos na si Marquez.
“Bobby’s really focused for this fight, and he’s training hard,” sabi ni trainer Freddie Roach. “It is going to be a great fight and I would’nt miss this one.”
Itataya naman ni Soto, ilang ulit nang hinamon sina Marquez, Manny Pacquiao at Marco Antonio Barrera, ang kanyang 18-fight winning streak.
“I just want to tell you that June 9th is going to be a great fight between Bobby Pacquiao and myself. I don’t think it matters who wins ... the fans are going to be the winners after the fight,” pagtitiyak ni Soto. (Russell Cadayona)