No. 2 pupuwersahin ng Alaska
Mahigpit ang labanan para sa natitirang awto-matikong semifinal slot sa umiinit na Talk N Text Fiesta Conference at sasa-mantalahin ng Alaska ang pagkakataong makapu-westo sa No. 2 position na mabibiyayaan nito sa nakatakdang pakikipag-harap sa Sta. Lucia Realty sa tampok na laro ngayon sa pagdako ng aksiyon sa Ynares Center sa Antipolo City.
Nasa kamay ng Pure-foods TJ Giants ang kani-lang kapalaran at ng Sta. Lucia para makaiwas sa maagang pagbabakas-yon at makausad sa wild card phase at ang kaila-ngan lamang nilang gawin ay sibakin sa eksena ang naghahabol na Welcoat Paints.
Ito ang tema ng dala-wang laro ngayon, alas-4:35 sa pagitan ng Dragons at TJ Giants at alas-7:20 ng gabi sa pagitan ng Realtors at Aces.Sa taglay na 4-13 win-loss slate ng Welcoat, umaasa silang makakakuha sila ng playoff para sa slot sa wild card kung saan hindi pa naka-kasiguro ang Sta. Lucia at Purefoods na tabla sa 5-12 win-loss slate.
Sa pagdating ni Romel Adducul na nakuha ng Purefoods mula sa Red Bull kapalit ni Don Camaso at ng future second round pick, inaasa-hang magiging karagda-gang lakas ito upang makaiwas sa problema ang Giants.
Nasa three-way-tie sa 11-6 record naman ang Alaska kasama ang mga pahingang Phone Pals at Barangay Ginebra sa likod ng Red Bull na may pinakamataas na 13-5 record na sumiguro sa kanila ng No. 1 spot at ng unang awtomatikong semis slots na premyo ng top-two teams pagkata-pos ng classification round.
May kahirapan sa Aces ang kanilang layunin dahil di pa tiyak kung makakalaro ang may leg injury na si Rossell Ellis na di naasahan sa kanilang nakaraang laban kontra sa Red Bull sanhi ng kanilang 103-113 pagka-talo.
Inaasahang sasaman-talahin ito ng Sta. Lucia, galing sa tatlong sunod na talo sa pangunguna ni import Jamaal Williams para makasulong sa wild card ng walang problema sakaling hindi maging matagumpay ang Pure-foods sa unang laro. (MBalbuena)
- Latest
- Trending