^

PSN Palaro

Loot files counter-case against political rival

-

Nagulat ang inyong lingkod noong Lunes nang mabasa ko sa mga pahayagan na naghahanap pa ng appointment ang mga pinuno ng Philippine Olympic Committee at Philippine Sports Commission sa Unang Ginoo Mike Arroyo upang masigurado ang pagpondo sa Olympic campaign ng bansa.

Tutulak na papuntang Tsina ang mga atleta natin sa ika-walo ng Hunyo upang simulan ang naantala na nilang pagsasanay doon. Ayon kay PSC Chairman Butch Ramirez, hindi na maaaring ipagpaliban pa ang pagsasanay, at hinihintay na lamang ang kumpirmasyon ng mga Chinese officials, dahil libre umano ang training. Sasagutin lamang natin ang kanilang mga pamasahe at pagkain.

“These are the sports we are focusing on to hopefully bring us our first Olympic gold medal,” sinabi ni Ramirez. “We will see what other sports have potential, based on their performance in their Olympic qualifiers and world championships.”

Handa nang magbitiw sa tungkulin pagkatapos ng nakaraang Southeast Asian Games subalit inatasan siya ng Pangulo na manatili sa puwesto hanggang matapos ang Beijing Olympics.  Sabi ni Ramirez, nais ng Pangulo at Unang Ginoo na maging pamana nila sa bansa ang kauna-unahang Olympic gold medal ng bansa. Subalit malaki ang problema ng PSC, dahil diumano’y hindi dumarating ang mga pondo mula sa PAGCOR at PCSO.

“Those are our two main sources of funding, and they have not been remitting, especially our National Sports Development Fund,” malungkot na ibinalita ni Ramirez. “That’s why we want to be able to do so many things, but without the funds, we cannot move.”

Ayon pa kay Ramirez, gaya ng lagi, boxing at taekwondo ang dalawa sa sport na malaki ang tsansang makakuha ng ginto, subalit may mga iba pang sport tulad ng shooting at equestrian, na makakahabol pa. Tinatayang P 250 million ang kakailanganin upang makuha ng Pilipinas ang una nitong ginto sa Beijing.

“It’s different from the case of a Manny Pacquiao,” ayon kay Ramirez. “He came out of nowhere. Our athletes are bred, are molded to win an Olympic medal. I hope that this will be our legacy on our watch. If you look at the money spent on the PSC in its 17 years of existence, that’s billions of pesos, and we still don’t have a gold.”

Sabi pa ni Ramirez, marami pang programa ang PSC na ngayon lamang natupad. Napaganda na ang dorms at cafeteria ng mga atleta. Naitatag na sa wakas ang Philippine Sports Institute. At nilalatag na ang mga plano para sa grassroots sports development program, na kasama talaga sa responsibilidad ng PSC.

AYON

BEIJING OLYMPICS

CHAIRMAN BUTCH RAMIREZ

NATIONAL SPORTS DEVELOPMENT FUND

RAMIREZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with