Isang pagkakataong makasagupa si World Boxing Council (WBC) super featherweight champion Juan Manuel Marquez para sa susunod na title defense ng Mexican fighter.
Ito ang paglalabanan nina WBC No. 2 contender Humberto Soto at No. 6 ranked Bobby Pac-quiao sa kanilang 10-round, non-title fight sa Hunyo 9 sa Madison Square Garden sa New York.
Gigil pa rin ang 26-anyos na si Soto na maka-kuha ng isang championship fight matapos isnabin ng WBC sa pagtatakda sa upakan nina Marquez at ng dating haring si Marco Antonio Barrera noong Marso 17 sa Las Vegas.
Bilang No. 2 contender, sinabi ni Soto na siya ang dapat inilaban ng world boxing body sa 33-anyos na si Barrera at hindi si Marquez. Sa kani-lang upakan ni Pacquiao, utol ni WBC International super featherweight ruler Manny Pacquiao, inaasa-hang ipapakita ni Soto ang kanyang galing para patu-nayang siya ang dapat humamon sa 33-anyos na si Marquez.
Isang press confe-rence ang itinakda sa Mayo 30 sa Paseo Inn Restaurant sa New York City para sa Soto-Pac-quiao non-title bout, isang undercard sa world welterweight championship fight nina World Boxing Association (WBA) titlist Miguel Cotto ng Puerto Rico at contender Zab Judah ng United States.
Tangan ni Soto ang 41-5-2 win-loss-draw ring record, tampok rito ang 25 knockouts, sa-mantalang ibinabandera naman ni Pacquiao, tina-guriang “The Sniper”, ang 27-12-3 slate kasama na ang 12 KOs. Binawi ng WBC ang suot ni Pac-quiao na Continetal Ame-rica super featherweight crown matapos maging overweight sa kanilang upakan ni Mexican Hector Velasquez noong Nobyembre 16 sa Las Vegas. (Russell Cadayona)